Wednesday, September 14, 2011

Sa mga Bisig ng Uring Manggagawa

Ang iyong mga kamay ay nanlilimahid
Niyari at pinanday ng iyong mga bisig
Ang pundasyon at haligi ng ating bayan
Ikaw ang nagtatanim ngunit iba  ang yumayaman.
Walang pinagbago ang iyong bahay na pawid
Ilang dekada ka na nga bang nakikisaka sa lupa ng iba?
Marami ng dugo at pawis sa lupa ay naidilig
Ikaw ang lumulikha at gumagawa ngunit suweldo mo’y barya.
Sa bawat paggapas mo ng palay
Ang pag-unlad nitong bayan sa iyo nakasalalay
Ikaw ang nagpapainog ng granahe ng ating makinarya,
Makinaryang panggawa ngunit patuloy sila sa pananamantala.
Nananatili ka pa ring alipin sa sariling bayan
Ang mala-pyudal na monopolyo ng bulok na sistema ang dahilan.
Sisikat din ang kalayaan sabay sa bukang-liwayway,
Sa mga bisig ng uring manggagawa ito nakasalalay.

No comments:

Post a Comment