Wednesday, September 14, 2011

Lunggating Kalayaan

Lunggating Kalayaan
Lalabinwaluhing taludturan na may labindalawang pantig bawat isa.


Ang araw’y sisikat sa bandang Silangan
kasabay nitong lunggating kalayaan.
Dugo’t pawis ang idinilig sa lupa
pinagyabong pa ng hinagpis at luha.
Ang lupang, sa atin’y pilit na inagaw,
ang mapagsamantalang amo dapat ay
tupdin, ngunit susuwagin ng kalabaw.
Lingkisin! Gaya ng paggapas sa palay.
Tila ba’y dilubyo’t nagbabantang sigwa
nitong himagsik sa hudyat ng kampana.
Lalansagin na ang naghaharing-uri,
makikibaka tungo sa minimithi.
Manggagawa, magsasaka, proletaryo
manunulat, mag-aaral, buong bayan,
tutuldukan ang sakwil na imperyalismo.
Magpapasakit, ang buhay’y nakalaan.
Ang pagsikat ng araw’y bagong pag-asa.
Kilos! Ang kalayaan mo’y inagaw na.

No comments:

Post a Comment