Thursday, September 15, 2011

Billet-doux of Apology

Feeling blue when I wrote this billet-doux.
It started with simple thoughts, simple thing
but still, I do not know how to begin,
just keep on thinking memories of you.
God, it is really hard and tormenting
reminiscing the pain she left within.
Wondering why are you so angry at me,
how many times have to say “I’m sorry?"
Yes, I know that I have  been so stupid,
I know that I should not be so muzzy,
I know that I should not be so naïve,
want to be close to you again baby.
Every time I dream, know, I dream of you,
And every time I breath, I breathe you too.
My dearest Jill I am really sorry!
Beseeching, accept this apology

A Light Year Away

Her smile vexes
As if it manifests
Around the edifice
Of our two different universes

Should I be the fireworks she fond gazing?
Bedazzled the moon then slowly fading
Should I be the stars she keep on counting?
Till she fell asleep and dreaming

Should I be an umbrella, protect her from the rain
Or a handkerchief, wipe away her tears and pain
If I could be her favorite pillow
Always beside her even in sorrow

Does she still remember when we wrote our initial
On our favorite tree's gnarl?
A gnarl where she used to seat
Here at Sunken Garden where we first met

Now I know, I'll be with the our tree
I let her and set her free
May she find the right man that makes her happy
I'll be standing here in perpetuity

Even she's a light year away
She's always in my heart each passing day
Please tell her I'm sorry if I died
And never had the chance to tell what I feel inside.

Wednesday, September 14, 2011

Alimpuyos ng Lahing Binusabos

Alimpuyos ng Lahing Binusabos
May labindalawang pantig bawat taludtod

 Ako'y hamak, binusalang manunulat
Palibhasa'y ang baya'y ayaw mamulat
Pinigil daluyong ng aking hiraya
Nang di na makahikayat ng sino pa
Iniwalay sa aking plumang nilagot
Aking sining at panitika'y nilumot
Pilit nilang binura ating kultura
At sa kanila tayo'y nangayupapa
Ayaw nilang mamulat ang ating bayan
Baka matutong maghimagsik, lumaban
Tungkulin ng manunulat isiwalat
Ang kaapihan ngunit di maisulat
Kalagan ang tanikalang bumabalot!
Natuyo man ang pluma, dugo ang sagot
Isulat at ilarawan ang paghangos
At alimpuyos ng lahing binusabos.

Huling Pagdaluyong

Ayoko nang sumulat
Para pa kanino't para saan?
Batid kong tanging oras lamang
Ang hihilom nitong sugat

Ayoko nang sumulat, ayoko na
Gayong wala na ring pag-aalayan
Tigib ng hinagpis at pagtitika
Binasa ng luha itong pagsusulatan

Ni ayaw nang magdaluyong ng aking hiraya
Patay na ilog na hindi umaagos
Ayaw na ring lumuha ng aking pluma
Sadyang nagsawa at kusang naubos

Hahayaan kong maglaho sa dagat ng panganorin
Kung saan man maparoon
Salantain man ng sigwa't anurin
Pagdaka'y lunurin ng rumaragasang alon

Sanlibong Punglo (Tula para sa Palestine)

May nagbabantang sigwa
Natapos din ang araw ng pagtangis,
Pasakit at dalita
Baya'y nalugmok sa hinagpis

Lumuluha ang sanlibong ina
Kasabay ng mga bombang walang mintis
Nakahandusay mga bangkay, bata't matanda
Patuloy sa panggagahasa't pagmamalabis

Lumaganap ang lagim at dilim
Mga lansanga'y bumabaha ng dugo
Ang hangi'y nagluluksa't naninimdim
Tanging tanglaw itong mumunting sulo

Ang baya'y minasaker ng mga ganid at sakim
Kay ligalig ng samyo ng sariwang dugo
Ang ginawa nila'y karimarimarim
Paroo't-parito sanlibong nagliliyab na punglo

Ang bayang dati'y tahimik at dalisay
Mga batang naglalaro tanging nag-iingay
Ngayo'y nanahimik
Nagkalat ang mga patay

Natapos din ang araw ng lumbay at siphayo
Tumahan na, tumahan ka na
Mga mata'y labis nang namumugto
Pasikat na ang araw, ang bagong pagsuyo

Bagong Agresyong Kolonyal (Tula kontra sa US-NATO military intervention sa Libya)

Ika-labinsiyam ng Marso taong Dalawanglibo't labing isa
Nang magsamasama ang mga bansang pasista
Nagpasya silang salakayin ang bansang Libya

Kagyat ng kahangalan at kasinungalingan
Suporta sa mamamayan kanilang idinahilan
Ang katotohanan, tanging habol nila'y kayamanan

Naglalaway sa bansang tigib sa itim na ginto
Hayun! Barco de guerra nila'y bumubuga ng punglo
Laksa laksang ibong mabalasik kanilang isinugo

Mga ibong sintulin ng isang kisapmata
Tangan-tanga'y ilang tonelada
Ilang toneladang mapamuksang bomba!

Dayong bapor ngayo'y pumalot sa kanilang karagatan
Itong opresyunista'y ihahanay ang Libya sa Afghanistan
Kanilang susupilin at buong lakas na gagapiin

Ang digmaa'y kanilang paboritong laro
Sa bawat 10 minutong pambobomba'y 10 milyon kanilang binubuno
Ang pagpapasakit ng iba'y tangi nilang luho



Laban sa Alindog ng Kolonyalismo (Sanaysay)

Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pagpapalawig ng soberanya ngnaghaharing-uri sa dayuhang lupain. Hindi lamang sa pananakop maaaringmasumpungan ang kolonyalismo, maaari rin itong umiral dala ngimpluwensya at globalisasyon.

        Ang mga salik ng kolonyalismo sa anyo ng mapanlinlang na impluwensya ayang mga sumusunod: Amalgamasyon, Asimilisasyon, Indoktrinisasyon, atkatulad. Iisa lamang ang bunga ng mga nabanggit - Kaisipang Kolonyal!

        Ang Kaisipang Kolonyal ang siya ngayong pangunahing sakwil sa pag-iralng kaisipan at kamalayang makabansa. Ang malaya at makabayangpag-iisip lamang ang tanging paraan upang maitaguyod natin angsariling pagkakakilanlan ngunit nasisingkil ito ng maalindog nakasipang kolonyal. Lubos nating pinagpipitaganan ang mga kulturangdayuhan; sa paraang dayuhan natin ibinabase ang antas ng sarilingkultura. Kung ang katutubong kultura ay hindi naaayon sa oryenstasyonng dayuhang kulturang ating nakamihasnan, agad natin itongisinasantabi, nililibak at pinagtatawanan.

        Lubos tayong nabusabos at tuluyang naging mangmang sa panahon ng mgamananakop na Espanyol. Hindi nila tayo binigyan ng pagkakataong matutoat malinang sa dahilang lubusan silang nangangambang sa puntong mamulattayo sa pamamagitan ng edukasyon ay matuto tayong magsigasig atmaghimagsik tungo sa ating lunggating kasarinlan. Ang sistema ngedukasyon ay nalilingkis ng relihiyon at dayuhang pagpapahalaga.Lubusan tayong nabusabos sa kamay ng mga demonyong nakasaya nanagkukubli sa mga nanlilimahid na konkretong simbahan na siyang pilitna itinayo ng ating mga ama dala ng kanilang karahasan at sapilitangpaggawa. Hindi ba nila nababatid na ang mga maririkit na palasyo atkatedral ay pinagtibay ng dugo, pawis at luha ng ating mga ama't ina?Buwagin ang pundasyon ng haligi ng mapang-aping hanay!

        Ang kahiya-hiyang kalagayang ito ay siya namang sinamantala ng bagongimperyalistang-inang-bayan, ang Estados Unidos. Binigyan nila tayo ngedukasyon sa parehong paraan na binigyan din nila tayo na panibagonguri ng kamamangan - ang Alindog ng Amerikanisasyon!

       Hindi pa natin lubusang nababatid at nauunawaan ang pinagmulan atkatutubong kamalayan ay narito na naman ang panibagong mananakop.Bagong mananakop na nagturo sa ating sumamba sa at magpita sa mgamapuputi, matatangos ang ilong, matatangkad at tumalima sa panibagongkolonyal na oryentasyon - ang Ingles ay superyor sa wikang Pilipino atiba pang katutubong dialekto - anumang katutubong sining, panitikan atkasanayan ay dekorasyon at palamuti lamang - mananatili ang KanluraningPag-iisip bilang naghaharing-uri at pamantayan sa kung ano ang magandaat pangit. Muli, buwagin ang pundasyon ng haligi ng mapang-aping hanay!

        Ah Kalayaan! Kailan ka namin tunay na masusumpungan? Bagaman, angkalagayan ng ating bayan ay talaga namang mas mainam kaysa noon,mayroon na namang panibagong banta. Panibagong banta na higit na masmatindi kaysa noon, nagbabantang sigwa na hindi natin namamalayan,banta ng panibagong anyo ng kolonyalismo, panibagong banta sakamalayang Pilipino - ang Globalisasyon!

        Ang globalisasyon na siyang gumugupo sa lokal na industriya atprodukto, katiyakan, ay perpektong halimbawa ng Neo-Kolonyalismo! Dahilsa globalisasyon, bumabaha ng mga dayuhang angkat at produkto sa mgalokal na merkado na bunga ng mala-pyudal na monopolyo ng mgakorporasyong multinasyunal, mga luma at bagong panginoong may-lupa atang papet na reaksyunaryong liderato na kasabwat ng mga ito. Sila namga nagtatakda ng halaga at dami ng produksyon [isama na rin natin angpananamantala sa mababa at di-makatwirang pasahod sa mga proletaryongmanggagawa.] Sila na lumalansag sa mga korporasyong-bayan at tahasangpumapanig sa halimbawa'y pagkakaroon ng mga base-militar ng US,sapilitang pagtuturo ng wikang Ingles sa lahat ng antas ng akademya,pagpabor sa mga kapitalista upang galugarin at lustayin ang ating likasna yaman, at katulad. Ang pag-iral ng mga dayuhang produkto ay lalongnagpapatatag sa hiraya ng mga mamimiili na ang pagtangkilik sa mga itoang maghahatid sa kanila tungo sa alta-sosyalidad, elitismo atsuperyuridad. Sa isa pang pagkakataon, buwagin ang pundasyon ngmapang-aping hanay!

        Ang neo-kolonyalismo ang panibagong anyo ng panunupil ng mgaimperyalistang bayan sa paraang mainam at hindi natin lubusangnamamalayan. Atin itong masusumpungan saan mang dako, kalalakhan ngating mga anak at unti-unting bubura sa ating katutubong kamalayan.Hindi lamang sa anyo ng mapagsamantalang dayuhang kapitalismo kundimaging sa kabalintunaan ng Kanluraning Media! [at lokal na Media napilit na pinamamarisan ito]. Media na nagtuturo sa ating mga anak ngdayuhang pagpapahalaga, karimarimarim na kanluraning asal at gawi.Media na tigib ng kabalintunaan, buhong at balam na siyang iiral atdadaig sa kaisipang makabayan. Ni hindi natin [o kung mayroon man aykaunti na lamang] magawang sulyapan ang mga akdang Pilipino, sa panulatng mga Pilipino at para sa mga Pilipino; mga nobela, tula, sawikain atkwentong-bayan. Paano ang mga tradisyunal, kultural at rehiyunal napagtatanghal? Paano ang mga katutubong awitin at kundiman? Naisasantabinatin ang mga ito dahil lubusan tayong nahalina ng alindog ngsamo't-saring anyo ng kolonyalismo! Nababatid ba ng mga Anak ng Bayanang mga akda nina Amado Hernandez, Lualhati Bautista, Genoveva Matuteat ang mga kwentong-bayan ng mga kanayunan? 'Di kaya mas nakikilala pang mga kabataan sina William Shakespeare, Elizabeth Browning, RobertFrost at iba pang dinadakilang mga dayuhan?

        Sa kasalukuyan ay tinatamasa natin ang huwad na kasarinlan, ngunitkahit papaano ay nagagawa na nating pahalagahan at tukuyin ang atingpinagmulan. Nakakalungkot isiping maraming bahagi ng ating kultura angtuluyan nang sumabay sa agos ng daluyong ng oras sanhi ng mahabangpanahon ng pananakop at nakakabagabag na unti-unti na ring nawawala angilan sa mga kulturang naiwan. Sa mga silid-aklatan at silid-paaralan nalamang ba natin na makikita't mahahawakan ang mga dakilang pamanangito? Matagal ng naghihintay sina Rizal, Bonifacio, Jacinto, Mabini atoo, maaring pati si Amado Guerrero na makipag-kwentuhan sa iyo sa mgasilid-aklatan ngunit maaring nagigiliw tayo sa pagbabasa ng Twilight, New Moon, Harry Potter, at mga katulad.

        Wala naman talagang masama sa pag-aaral ng dayuhang kultura, panitikan,sining at awitin dahil nakakatulong din ito sa pag-unlad at pag-igpawng ating kamalayan at kaisipang "mayroon din kami niyan." Nawa'y huwaglamang natin ibaon sa limot ang sariling atin.

Ang dapat na mabatid ng mga Anak ng Bayan ay ganito:

        Marapat lamang na pairalin ang kaisipan at kamalayang Pilipino,kaalinsabay nito'y madali nang malalansag ang mga sakwil sa tunay nakasarinlan, malalansag ang imperyalismo-burukrasya-pasismo na matagalnang patuloy sa pananamantala at pang-aapi. Sa pamamagitan ng kamalayanat kaisipang makabansa, ating yayarin at ating papandayin ang lipunangmakabayan, maka-proletaryo, maka-magsasaka't manggagawa at HINDInagpapadala sa mapanupil na dikta ng mga opresyunista.
       
        Hindi pa tapos ang laban ng Sambayanan, kikilos ang taung-bayan sapagbuwag ng Triangulo at pyudal na istrakturang panlipunan. Lilitisinsa Husgahang-bayan ang mga mapang-api't mapagsamantala. Kikilos sapagpukaw ng diwa ng wika at panitikan na siyang babasag samala-kolonyal na kamalayan!

Anak Iskwater

Hanggang kailan ang iyong kamangmangan?
Isa kang busabos na pilit na nagsusumiksik
sa tahanang dati ng masikip.
Kasama ang mga lumpen, kamangmangan na ang iyong kamamatayan.

Mga lumpen, puta, walang trabaho at pinag-aralan
ganyan ba ang lipunang sa mga bata nais mong kanilang kalakhan?
Mainit, masikip, marumi, magulo at maingay
wala kang sintido-kumon, diyan ka nababagay!

Kung inaakala mong ika'y madunong
p'wes para sa'kin isa kang gung-gong.
Wala ka ng inisip kundi ang iyong kayabangan
hindi na baleng malayo ka 'wag ka lang mapagtawanan.

Sa kanila ika'y nagmamalaki
nagpakalayo nang sila sa iyo wala ng paki.
At ngayon narito kang parang daga
dito sa nanlilimahid na "tahanan" ika'y tuwang-tuwa.

Ako'y nagumon tulad mo'y nabusabos
hindi ko ito ninais ngunit wala akong magagawa.
Sa iyong utos ako'y lubos na tumalima.
Ang iyong kabalintunaan ang dahilan kaya tayo nagmukhang kawawa!

Nagniningas na baga ang iyong iniiwasan
ngunit nag-aalab na sigwa ang iyong patutunguhan.
Marapat lamang na wakasan na ang kahangalang ito
ang pagbabago ay magsisimula sa pagkilos ko.

Ayoko nang manahin ang kahirapan mo
akin ng lalansagin ang mala-pyudal na monopolyo.
Monopolyo ng iyong kahibangan at maling desisyon.
Paiiralin ko'ng desisyon sa tamang katwiran ay naaayon.

Ako'y kikilos magpupunyagi.
Magpupunyagi sa kasarinlang minimithi.
Ako'y kikilos 'di pa tapos ang laban.
Kikilos para sa PAGBABAGO ng buong tapang!

Sa mga Bisig ng Uring Manggagawa

Ang iyong mga kamay ay nanlilimahid
Niyari at pinanday ng iyong mga bisig
Ang pundasyon at haligi ng ating bayan
Ikaw ang nagtatanim ngunit iba  ang yumayaman.
Walang pinagbago ang iyong bahay na pawid
Ilang dekada ka na nga bang nakikisaka sa lupa ng iba?
Marami ng dugo at pawis sa lupa ay naidilig
Ikaw ang lumulikha at gumagawa ngunit suweldo mo’y barya.
Sa bawat paggapas mo ng palay
Ang pag-unlad nitong bayan sa iyo nakasalalay
Ikaw ang nagpapainog ng granahe ng ating makinarya,
Makinaryang panggawa ngunit patuloy sila sa pananamantala.
Nananatili ka pa ring alipin sa sariling bayan
Ang mala-pyudal na monopolyo ng bulok na sistema ang dahilan.
Sisikat din ang kalayaan sabay sa bukang-liwayway,
Sa mga bisig ng uring manggagawa ito nakasalalay.

Lunggating Kalayaan

Lunggating Kalayaan
Lalabinwaluhing taludturan na may labindalawang pantig bawat isa.


Ang araw’y sisikat sa bandang Silangan
kasabay nitong lunggating kalayaan.
Dugo’t pawis ang idinilig sa lupa
pinagyabong pa ng hinagpis at luha.
Ang lupang, sa atin’y pilit na inagaw,
ang mapagsamantalang amo dapat ay
tupdin, ngunit susuwagin ng kalabaw.
Lingkisin! Gaya ng paggapas sa palay.
Tila ba’y dilubyo’t nagbabantang sigwa
nitong himagsik sa hudyat ng kampana.
Lalansagin na ang naghaharing-uri,
makikibaka tungo sa minimithi.
Manggagawa, magsasaka, proletaryo
manunulat, mag-aaral, buong bayan,
tutuldukan ang sakwil na imperyalismo.
Magpapasakit, ang buhay’y nakalaan.
Ang pagsikat ng araw’y bagong pag-asa.
Kilos! Ang kalayaan mo’y inagaw na.

LABAN SA PYUDAL NA MONOPOLYO SA LUPAING AGRARYO: Alay sa mga manggagawang nanindigan, lumaban at namatay sa Hacienda Luisita

May labindalawang pantig bawat isang taludturan.



LABAN SA PYUDAL NA MONOPOLYO SA LUPAING AGRARYO
Alay sa mga manggagawang nanindigan, lumaban at namatay sa Hacienda Luisita

Labindalawang piso't ilang sentimo
Ilang barya't mga pekeng benepisyo
Ikaw ay pinangakuan at nilinlang
Ikaw ang umani, parte'y ilang gatang.

Ikaw ang nagtanim, sila'ng yumayaman
Sa lupang 'lang dekada nang pinaglaban
Umiiral ang pyudal na monopolyo
Sa lupang kinamkam ng mga Cojuangco.

Sino'ng may kontrol sa lupaing agraryo?
Sino'ng sumingkil sa Uring Proletaryo?
Sino'ng patuloy sa pananamantala?
- 'yung Luma't Bagong Panginoong May-lupa!

Nais mo'y 'yong lupa, sagot nila'y bala
Dinukot't pinatay lider manggagawa
Marahas na pinigil ang moblisasyon
Tinakot pa'ng mga kasapi ng unyon.

'Di nag-iisa mga taga - Hacienda
Hangad din nami'y REPORMA at HUSTISYA
Lalansagin ang Mapang-aping Hanay
Ang laban sa hacienda'y 'di mamamatay.